Wuhoo! Na-upload din ang mga pictures for the second day of our Holy Week 2012 Trip! Hindi ko ma-upload sa office namin ang pictures kasi unstable ang internet connection at buti na lang, nakahanap ako ng time this weekend mag-upload ng pics dito sa bahay :p
Anyway, after the very exhausting first day, late na kami nagising. Hindi nga lahat nakapaglangoy sa beach at lahat kami, nagugutom na because of the not so good food from last night haha!
Simple, malinis, at maaliwalas ang lugar. Yun nga lang, sa sobrang init ng panahon ngayon, nananaig talaga ang maalinsangan na panahon kahit anong gawin
Sa loob ng restaurant, kaya siguro magkasya ang 40 na tao, pag sumobra pa dun, parang ang init na sa pakiramdam.
Nakakatuwa na hands-on yung may-ari sa pagluluto at lumalabas pa siya ng kitchen para humarap sa mga tao ;)
Heto ang kanilang menu,
May pinoy at international cuisine siya at na-curious din kami kung paano magexecute ng pinoy dishes ang foreign-owned restaurant na ganito.
**Unfortunately, bawal pa ako magkarne ng mga panahong ito kaya sa susunod ko na lang titikman yung mga dishes na na-order ng mga kasama ko na may meat :D Heto ang mga inorder namin:
Baked Potato Skins - really good, pero mas manipis sana yung laman para mas malutong at swabe
Pancit Bihon - normal na masarap na bihon lang, walang "extra"
Pancit Canton - hindi ko ito natikman kasi may meat :(
Bagnet - hindi ko ito natikman kasi may meat :(
Pork Chop - hindi ko ito natikman kasi may meat :(
Tomato Cream Soup - "lasang sauce ng pasta na pwedeng higupin" yan ang unang reaksyon namin at it's actually not a bad thing haha! Sarap!
Spaghetti Funghi - for carbonara lovers. Masarap siya at hindi nakakasawa gaya ng ibang cream sauce :)
German Sausage w/ Sauerkraut - heto ang nanghihinayang ako na hindi ko natikman kasi ang sarap daw hahaha yari sakin ito pagbalik ko sa Pagudpud (parang ang lapit lang eh noh)
Tuna Pesto Pasta - kalasa ng ginagawa ni mama kaya hindi na kami napa-wow haha pero masarap siyempre :D
Spaghetti Arrabiata - my order, ayon sa menu, maanghang daw, so sabi ko sa waiter, kung ano yung standard na anghang nila, i-multiply a couple of times ang anghang. Ang kinalabasan?.... Pinakapanalong pasta na na-order namin hahaha! Highly-recommended lalo na sa mga mahilig sa maanghang gaya ko :)
Three-Colored Pasta - heto, medyo sayang eh, mali ang timing ng paglabas. nai-serve siya after ng Arrabiata, ayan tuloy parang hindi na siya ganun nakakatuwa. Hindi rin ganun karamdam na may Prawn siyang lahok.
Creme Brulee - parang nasobrahan sa luto na leche flan lang, needs improvement. Masarap pa yung ginawa nina Siobe at Ahya nung Pasko, walang biro.
Ang saya lang, nakasabay namin yung family ng Ninang ko sa Lucena sa Pagudpud at nagkita kami dito :)
Beautiful ladies!
After lunch, sinimulan na namin ang tour sa araw na yun at pumunta kami sa Patapat Viaduct
Siyempre, suot ko ang fave travel shirt haha! Actually, walang magagawa dito kundi magpapicture at ma-amaze sa view at ganda ng tunog ng alon. Tapos sa dulo nito, matatagpuan ang Patapat Grotto
After sa Patapat, pumunta na kami sa Kapurpurawan Rock Formation. Paalala, napakahaba ng biyahe haha!
Ganda ng view noh? Be warned. Bago marating ito, kailangan bumaba ng steps na hindi naman ganun kataas, pero walang hawakan. Mahihirapan siguro dito kapag medyo senior citizen na ang kasama.
This part sa picture below, makikita ang talas ng mga bato kaya tip lang, wag kayong magsipit/havaianas at magsapatos na lang kayo. Sa sanuk ko nga ramdam na ramdam ang talas ng mga bato eh hehe
Pero para sa akin, sulit ito puntahan at dito mo maa-appreciate ang galing ni God pagdating sa pag-"paint" ng scenery.
After namin maglakbay, (malayo talaga pagitan ng mga tourist spots, swear) nagutom kami at bumili na rin ng pampasalubong sa Pasuquin Bakery. Ito daw kasi ang sikat na gawaan ng soft and hard biscocho dito
Heto yung soft biscocho. Para siyang monay na ayun sa lahat, hindi ko sure kung makaka-relate kayo, may hint daw na lasang "Chinese" hahaha! Hindi ko maipaliwanag pero nagkakaintindihan kami :D
Matapos ang ilang oras na biyahe, nasa Laoag na uli kami at tumuloy muna kami sa aming hotel na Aurelio's Mansion para magpahinga
Hindi siya yung bigtime hotels gaya ng sa manila pero maayos naman siya at maasikaso ang staff
Para sa mga hindi maselan, okay na ito kasi tutulugan lang naman eh :)
Malinis ang banyo, malakas ang flush at may hot water. Solve na!
Meron din silang swimming pool. It's a shame that we were too tired to enjoy the pool kaya nagpahinga na lang kami saglit bago mag-dinner sa bayan ng Laoag.
Bago magtakip-silim, umalis na kami ng hotel at bumalik sa bayan ng Laoag. Ang ganda pala nung sinking bell tower kapag gabi :)
Sa simbahan muna kami tumigil at saktong pagdating namin, kakasimula lang maglakad ng prusisyon
Buhay na buhay ang parke nila kapag gabi. May mga iba't-ibang ilaw at talagang yung tipong hindi ka matatakot tumambay sa gabi, maging lokal man o turista
Dahil sarado ang main road dahil sa prusisyon, naglakad na lang kami sa paglilibot para na rin mas ma-appreciate namin yung lugar at mga tao :)
sa aming paglalakad ay nakakita kami ng nagtitinda ng Empanada... Pusa na yan, takam na takam na ako lalo na't kitang-kita kung paano ginagawa ito sa harapan mo... Next time na bumalik ako ng Laoag, sisiguraduhin kong pwede na ako kumain nito at hindi ko ito palalampasin haha!
Ang aming pulutong habang naglilibot at hinahanap ang recommended na resto ng Trip Advisor, ang Saramsam. (parang mambubugbog lang sa Asiong Salonga haha)
Dahil sikat nga itong resto na ito dito, may senyales na agad na masarap ito dahil nagexpand sila sa katabi lang ng resto mismo haha! Saramsam TOO, hehe kulit lang.
pagpasok sa loob, maayos ang lugar at talagang ang dami ngang tao, buti na lang napaaga-aga kami at na-accommodate kami kahit madami kami :D actually, sa Saramsam Too na kami napaupo.
Heto ang kanilang menu, Tamang-tama lang ang dami ng pagpipilian at yung tipong hindi ka malilito at tatamarin maghanap ng kakainin.
Dahil nagenjoy kami sa unang tikim namin ng Poque-Poque, hindi na kami nag-alinlangan at inorder namin ang
Poqui-Poqui Pizza - kasing sarap nung unang kain namin sa Macy's at in Pizza form!!! Win!!! A must try!
Pinakbet Pizza - nagustuhan ko ito, yun nga lang, dahil may kasabay na Poque-poque, natabunan ito. Pero kung mahilig ka sa pinakbet, subukan niyo ito :)
Baraniw (Wild Basil) Iced Tea - ngayon lang ako nakatikim ng drink na ganito at refreshing siya :) masarap
Spicy Sardinas Linguine - sa mga pasta orders, heto ang pinaka nagustuhan ko :) hindi lang sa dahil Spicy siya pero talagang hindi nakakasawa ang lasa na sakit ng karaniwang pasta dishes :)
Saramsam Pasta - hmmmm sabi sa mga reviews, ang sarap daw nito,
pero siguro dahil sobrang nag-expect ako, parang "wala lang" ang
reaction ko. It's not bad, yun nga lang, masyado siguro akong nag-expect
haha but it's okay-good :)
Bangus - pretty tasty like other delicious boneless bangus na natikman mo sa buhay mo. Walang kakaiba sa kanya pero masarap naman. Kung turista ka, try other dishes at hindi yung normal na makukuha mo sa ibang resto gaya ng dish na ito (this message is for my Mom who ordered this, haha!)
Diningding - hindi namin nakita sa menu ito at tinanong lang ng tita ko kung meron nito. Hindi ko alam kung heto ba talaga ang authentic na diningding, kahit puro gulay lang, sobrang malasa ang sabaw at tipong may hagod (hindi asim ah. hagod na sensation) gaya ng sinigang. Masarap!!!
Pasta Marinara Blanca - dahil sa naunang i-serve ang Spicy Sardinas, naging okay lang tuloy ang dating nito. Pero kung ito lang siguro order ko at wala yung Spicy Sardinas, mag-eenjoy naman ako sa dish na ito :)
Dito na sana kami magde-dessert, yun nga lang, Marunggay Sherbet na lang natitira nila at 2 cups na lang ang available... sa dami ba naman namin pagaawayan pa ito? haha! Pero kinuha na rin namin para matikman lang, at buti na lang 2 na lang available, nothing special kasi at hindi tatatak ang lasa sa inyong isipan ;)
dahil bitin pa kami for desserts, naglakad pa kami palayo ng simbahan at nadatnan namin ang La Preciosa... grabe ang daming taong nakapila sa labas! Siguro kung dito kami kumain, tirik na mata namin bago pa makaupo haha!
Dahil sa dami ng tao, kami lang ni Papa ang pumasok, at yung nakikita niyong table na bakante sa next pic, may girl na nagttry "sumingit" para makaupo jan... tsk2
Since hindi kami makakaupo, napagkasunduan na lang namin na magtake-out at sa hotel na lang namin kainin :)
grabe nang-aakit ang mga cake displays nila!
So ayon sa tips, carrot cake daw talaga ang panalo dito. Kung kilala niyo ako, alam niyong ayaw na ayaw ko sa carrots! Pero dahil ito ang specialty, edi umorder na din kami.
Carrot Cake - langya na yan o...parang yung cake lang ang lahok sa dami ng carrots!!!
Nag-order din kami ng strawberry and blueberry cheesecake just in case hindi ko makain carrot cake haha!
Dahil mahilig si mama sa Sans Rival, nagorder din kami ng slice for her :)
Nung naglalakad kami pauwi sa hotel para dun kainin yung cakes, napansin namin na hindi na ganun kadami ang tao sa park so naisipan namin mag picture-picture muna.
Ang ganda ng moment, nasa park kami, bilog at maliwanag ang buwan, so naisip na lang namin na dito namin kainin sa parke. Family Picnic, hahaha! I love my spontaneous family!
Wala nang arte-arte, kamayan na lang kami sa cake hahaha! And btw, La Preciosa's Carrot Cake is the best one I've ever tasted! Nakatry na ako ng mga carrot cake before pero hindi ko nagugustuhan. Heto, pati yung shreds nakain ko kasi hindi lasang carrots! Parang singkamas nga siya kasi walang lasa! My friends from Laoag, heto na lang pasalubong niyo sakin hahaha!
Matapos ang munting picnic namin sa parke, dumaan uli kami sa simbahan to say our prayers tapos umuwi na kami sa hotel at nagpahinga. Mahaba-habang biyahe na naman kinabukasan papuntang Vigan kaya kailangan mag-recharge. See you sa next entry :)
Chewy :)
BergBlick Deutsches Restaurant
Saramsam Ylocano Restaurant & Bar
N. Corpuz Bldg. Rizal St. cor. Hizon St., Brgy. 7-A
Laoag City, Ilocos Norte
Philippines
(077) 771-5825
Laoag City, Ilocos Norte
Philippines
(077) 771-5825
La Preciosa
No comments:
Post a Comment