Holy Week na! Tuwing ganitong panahon, usually, pumupunta kami ng family ko sa iba't-ibang lugar at doon nagre-reflect. This year, Pagudpod, Vigan, Ilocos at basta Norte ang destination. Pero last week, bago pa man ang taunang Holy Week trip ng pamilya namin, naanyayahan ako ng pamilya ni Blanca na tumungo sa Bagac, Bataan kung saan nandoon ang kanyang Kuya Iñigo.
Hindi ito ang aking unang pagkakataon na makatungtong sa Bataan pero heto ang first time kong makakapunta sa La Salle school doon at dito na rin kami magpapalipas ng gabi. Ipinangako sa amin ni Iñigo na ipapasyal niya kami matapos ang graduation ng mga bata sa school (isa kasi siyang La Salle Brother na guro ng mga bata).
First trip ko with my G1X, hahayaan ko nang mga litrato ang mas maglarawan ng aming trip, :)
click image to enlarge
Dito kami unang pumunta sa plaza sa harap ng simbahan at dito kami tinagpo ni Iñigo
Unang destinasyon namin ay palengke sa Balanga
grabe... ang ganda ng palengke nila! Ito na ang pinakamalinis na palengkeng napuntahan ko! Parang Tiendesitas ang feel!
o-ha! Parang Rustan's Supermarket lang o haha!
Dito nabibili ang pinakamasarap na tinapang bangus (boneless) na natikman ko :D
After mamalengke, tumungo na kami sa La Salle
Malinis at presko ang lugar. Actually, sobrang hangin at most part ng dingding ng bahay ay screen so hindi na talaga kailangan ng electric fan :D
heto ang tinulugan ko, preskong-presko :D (Salamat, La Salle)
Pagkatapos kong ilagay ang aking mga gamit, naglibot kami sa paligid ng La Salle sa Bataan
Nasa larawan sa ibaba ang mga classrooms, yung parang spaceship sa LSGH, meron ding version nun dito na nagsisilbing chapel nila :) Nasa litrato din ang dalawang "Jeep ni Kuya" at ang bus na sumusundo sa mga bata
Sa harap ng campus, heto ang inyong makikita...
huwaw, ansarap siguro pumasok dito, para kang nagbabakasyon habang nag-aaral haha! Sa baba ang kabilang side ng cove.
too bad wala kaming dalang panlangoy. Sabi ni Iñigo, mahaba daw yung stretch na mababaw lang kaya pwedeng exercise ang paglalangoy ng end-to-end nung cove. Ang ganda talaga nung lugar :D
Dahil hindi ako pwede ng meat, yung tinapa ang kinain ko at hetong panalong Pumpkin Soup na ihinanda ni Sovee(?). Winner! Ang lupet lang magluto ng cook nila dito haha!
heto ang kinain nila Blanca :)
Dinalaw kami ng isa sa mga mag-aaral doon. Siya si Raven na sobrang nakakatuwa dahil bibo haha!
nabigyan pa ako ng souvenir :) small figurine with a big message
After namin mag-lunch, konting pahinga lang tapos pumunta na kami sa Las Casas Filipinas de Acuzar.
Grabe yung lugar! Para kang bumalik sa unang panahon, nakakamangha! At dahil talagang fan kami ni Blanca ng mga lumang bahay, para kaming nasa Disneyland sa saya haha!
huwaw turista?
Kung gusto niyo ng kakaibang trip na may educational value, dapat mapuntahan niyo ito kahit minsan sa buhay ninyo :D Here are the rest of the pics that I took
ang ganda nitong 3 palapag na bahay na ito :) galing Binondo daw ito at pwede mong upahan ang buong bahay sa halagang humigit-kumulang 150,000 pesos :D House Party tayo?
ang ganda ng hagdan :D
ang ganda ng view at ng partner ko haha
heto ang isa sa loob ng mga bahay at function hall daw ito na pwedeng upahan ayon sa aming guide na si Harlene. Tingnan niyo yung lugar, may mga pillars pa eh, altang-alta lang haha!
heto ang ventanilla ng isa sa mga bahay na kung saan panandaliang nagpapahinga ang mga kababaihan kapag umaakyat ng hagdan at biglang napagod dahil sa bigat ng kasuotan haha!
Makasaysayan daw itong kwartong ito dahil dito daw ikinulong ang lola ni Rizal dahil pinaghinalaang nagtataksil ng lolo. Ewan ko kung totoo o kung mali ang natatandaan kong istorya pero basta makasaysayan ito haha :)
dito sa bintanang ito naglaglag ng sulat ang Lola ni Rizal upang humingi ng saklolo sa mga guwardiya
Heto si Harlene habang nagkukuwento patungkol sa uri ng pamumuhay ng Rajah doon sa bahay sa labas ng bintana na kasama ang maraming nitong asawa
namangha ako sa kwartong ito. Mula ibaba hanggang kisame ay may disenyo, pati higaan ay maganda! Pang Alta Sociedad!
heto daw ang sofa nung unang panahon. Custom-made para sa mga pinoy kaya mababa ang upuan.
ipinaranas din sa amin ng aming guide maging aliping sagigilid kung saan nilibot namin ang bahay na sa makipot na gilid ng bahay lang kami dumadaan. Cool!
Noong unang panahon daw, bago pa mauso ang de-uling na plantsa, heto daw ang ginagamit pamplantsa ng damit.
group pic!
Pagabi na ng makabalik kami sa La Salle at nag-umpisa na maghanda ng pang hapunan.
Italian ang tema ng dinner at heto ang inihanda ni Sovee:
Adobo Cream Pasta
ayon sa kanya, may tira daw kasing adobo kaya ipinanlahok na lang niya at ginawang pasta. Magaling!
with the Master Chef!
At dahil alam niyang hindi ako kumakain ng karne... ipinaghanda niya ako ng separate...
Tinapa in Pesto Cream Pasta!
Hanep! Mahal ko na si Sovee at gusto ko nang iuwi! Ang sarap nito walang biro :) Kahit si Blanca, sabi niya mas masarap pa ito dun sa kanilang kinain at high-end restaurant quality talaga. Winner!
After dinner, ipinag-brew pa kami ni Sovee ng Cafe De La Salle
Ito daw ay special na timpla ng Cafe De Lipa para sa 100 yers ng De La Salle University. Yang sarap at bango nga naman ay!
chapel at night
Beautiful morning... an even more beautiful woman. O-ha! Quota na ako sa pambobola :p
of course, nag breakfast uli ako ng tinapang bangus! Sana mayroon mabibilhan nito na mas accessible para kahit araw-araw pwede :D
After breakfast, nagsimula na kami ng journey pabalik ng Maynila. Pero bago tuluyang umuwi, nagpalula muna kami sa tuktok ng Dambana ng Kagitingan haha
Salamat sa Riola family para sa wonderful experience :)
medyo makulimlim na at buti na lang ay hindi kami inabot ng ulan dito.
Inabot kami ng lunch sa Pampanga at sa Nathaniel's (of the Frozen Buko Pandan fame) kami kumain
daming tao kahit sa pasalubong center nila
sabi ni Blanca, hindi man Wai Ying level, masarap daw ang Siomai nila at sulit :)
sulit din daw dahil mura at masarap ang Lasagna nila. Sayang hindi pa ako pwede ng karne hehe!
masarap nga naman yung buko pandan salad lalo na pag dito mo kinain
hetong buko pandan drink, masyadong matamis para sa akin ;)
Siyempre bumili ako ng pasalubong para sa officemates at sa bahay namin
Next week, sana marami akong baong pictures from our Holy Week family trip :)
Sa uulitin,
Chewy
Nathaniel's
Km. 69 Olongapo-Gapan Road
San Fernando, Pampanga
(045) 9614008 ; 9617171
No comments:
Post a Comment