Tuesday, April 24, 2012

Travel: North - Vigan (Calle Crisologo) : La Union - Holy Week 2012 Day 3

The last day of our tour of Ilocos and after last night's rest, buhay na buhay na naman kami :)

Maaga kaming umalis kasi ayaw namin maabutan ng trapik dahil maraming ginagawang kalsada mula Laoag papuntang Vigan.
Matapos ang lampas 2 oras na biyahe, Hello Vigan!!!
Isa lang naman ang tinungo namin dito, yun ay ang Calle Crisologo. Hindi pwede ang mga kotse sa haba ng Calle Crisologo kaya nag-park na lang kami sa mga kalyeng malapit dito at naglakad na lang. Grabe lang ang init ng mga panahong iyon, talagang nag-pass ng resignation letter ang deodorant ko.
Pagdating namin sa Calle Crisologo, napangiti ako. Puro lumang bahay at may kalesa pa! Naisip ko kaagad na sayang wala si Blanca. Siguradong magugustuhan niya ang lugar na ito.
Isang haba itong street na ito na tao lang at kalesa ang pwede dumaan :)
At dahil wala kang iintindihin na pwedeng biglang sumagasa sa iyo na mga sasakyan, pwede kang mag pa-picture ng ganito:

INGAT ka nga lang sa ganito:
Free Green Tea Muffins!!! Yummmm

Ang talagang magagawa mo dito ay maglibot at i-appreciate ang history at pinagdaanan ng lugar na ito.
Siyempre, places like this are best experienced with your loved ones. Tingnan niyo sila, mumo-moment, naks!


Siyempre, hindi mawawala ang pasalubong shopping :)


Isa sa sa mga sikat na pampasalubong ang Royal bibingka na ito. Hindi siya yung normal na bibingkang galapong, para siyang lovechild ng Tikoy at Budin. Masarap ito lalo na at mainit. Kapag nilagay sa ref, hindi na masarap dahil iba na texture kaya mas mainam na ilagay na lang sa labas and consume within 3 days :)



Matapos naming maglakad-lakad at bumili ng mga souvenirs at pampasalubong, tumungo na kami sa Cafe Leona, kung saan, ito ang recommended na restaurant sa Trip Advisor.
Inagahan namin ang pag punta dahil ang tip sa amin ay dumarami ang customer nila pagpatak ng mismong alas dose pag pananghalian na. Sa loob at labas ay sinauna ang dating ng restaurant. Pero ang kagandahan dito, sobrang lamig ng lugar :) swabeng-swabe tumambay after maglibot sa ilalim ng napainit na panahon.

Mayroon silang mga lutong-ulam na turo-turo style para sa mga nagmamadali at mayroon din silang saka pa lang iluluto pagka-order. Heto ang Menu nila

Dahil sa mga tips at magagandang reviews, na-excite kaming lahat kumain. Heto mga inorder namin

Pancit Guisado - first na dumating... hindi mainit, ewan ba kung matagal na itong naluto o dahil sa lamig ng aircon. Hindi rin siya talagang masarap :(
Binagoongang Baboy - sobrang langis at hindi rin ganun ka-okay... Hindi rin kasi mainit.
Chicken a la King - Heto talaga ang malamig, galing dun sa turo-turo section. Okay lang yung lasa, matino naman pero nakakalungkot kainin dahil ang lamig talaga.
Beef Kaldereta - sa reviews ang daming nagsabi na must-try, pero honestly, sobrang plain lang ng lasa at hindi pa sobranng lambot ng karne :( hindi rin mainit... After dumating nito, hindi na ako nag-eexpect ng something good from this restaurant.
Fish Steak - galing dun sa turo-turo. Surprisingly, mainit siya at masarap haha! Pati yung orange sauce na mixture ng butter at citrus, masarap ha :) Hindi naman siya sobrang sarap pero na-appreciate ko siguro dahil talo yung ibang naunang ulam :D
Sinigang na Malaga - Heto ang pinakamasarap na nai-serve samin. Heto lang ang dish na maire-recommend ko. Masarap din yung sabaw, although mas gusto ko pa din yung sa Matutina's, malasa din yung isda. Pwede!!!
Bagnet - I did not like this at all... soggy, hindi malutong, at ang layo sa texture at lasa ng mga pinapasalubong sa amin dating bagnet :(
Vigan Longganisa - hindi ko alam kung bakit iba rin ang Vigan longganisa nila dito. Parang Lucban Longganisa na nasunog. Siguro dahil nasa Vigan sila, gusto nilang mag-serve ng iba? Ang labo lang kasi kaya kami pumunta dito para matikman yung mga lokal na putahe.
Umalis kami ng Cafe Leona na disappointed. Nagexpect lang siguro kami ng best of the best ng Vigan dishes dahil na rin sa mga tips. Fail ang recommendations and reviews para sa amin this time. (mahal pa)

Oh well, after lunch, siyempre gusto naming malibot ang iba't ibang historical sites at simbahan ng Vigan. Of course, hindi kumpleto kung hindi kami sasakay ng kalesa :)
Naks naman, turistang-turista!


Una kaming dinala sa San Agustin Church, isa daw ito sa pinaka-matandang simbahan sa rehiyon
Ang ganda ng loob, puro kahoy ang kisame :) Pretty well-maintained. Galing ng namamahala!

A few steps away, makikita ang Bantay Belfry na sabi sa amin ng tour guide/kutsero namin na si Mario, dito raw nagshoot ang Panday at Kampanerang Kuba :) Maganda rin daw umakyat sa taas nito dahil makikita mo ang magandang panoramic view ng Vigan. Hindi na ako umakyat at sinamahan ko na lang sina mama kasi ang init talaga ng panahon at effective na ang resignation ng deodorant ko.

Buti na lang, may nagtitinda ng refreshments malapit dun. Ang galing ng design ng fishball/juice cart na ito :) Talagang maa-appreciate mo ang mga ganitong inumin kapag ganitong may malamig na yelo sa mainit na panahon... aahhhh
May nagpatikim sa amin ng Tupig version nila dito sa Ilocos, masarap! Napabili tuloy ako ng marami pampasalubong haha!

Nagpahinga muna kami sa ilalim ng malalaking puno, chill lang habang ang iba sa aming mga kasama ay nagbabanyo :)

Nang pabalik na kami sa Calle Crisologo, nadaanan namin ang St. Paul's Cathedral. Ikinuwento sa amin ni Mario na dito daw pinatay si Congressman Floro Crisologo, tatay ni Bingbong Crisologo. Maraming haka-haka kung sino nagpapatay. Sabi si Marcos, pero may nagsasabi din na baka sina Singson...
Eh biglang nakita namin si Chavit na naglalakad.... awkward.... 
hahaha joke lang siyempre hindi kami narinig, baka hindi ko na naisulat ito kung nagkataon :p
Seriously, si Chavit nga ito at siguro nanay niya(?)
After ng aming short stay sa Vigan, nag-umpisa na kami bumiyahe pauwi. Ako sa Manila, habang sina Papa ay sa Lucena pa kaya maaga kaming umalis.

Na-appreciate ko ang mga tanawin na madadaanan sa Ilocos, hindi ko kasi nakita ito nung bumyahe kami noong papunta dahil madilim pa nun. Kung ako lang ang masusunod, mag-stay pa sana kami ng mga 2 araw pa para mapuntahan lahat ng mga magagandang tanawin ng Ilocos. Dibale, pagbalik ko na lang :)

Dahil nag-early lunch kami, nag-early dinner din kami para dire-diretso na ang byahe namin. Napatigil kami dito sa La Union. May friend sina Ahya na nag-recommend ng restaurant na Halo Halo De Iloko kaya hinanap namin ito.
Sa labas pa lang, mukhang nakakaaliw na sa loob nito dahil mukhang artsy  stuff ang makikita.
Pagpasok namin sa loob, makulay nga ang lugar at medyo festive ang ambiance.
Wala na kaming maupuan boooo
Buti na lang, pumayag nang buksan yung itaas na parte ng restaurant na mukhang sa gabi talaga binubuksan para sa inuman :)
nakakaaliw lang yung mga antique na plato na nakadikit sa pader at may mga paintings and art pieces din silang binebenta.

Huwag magpadala sa pangalan ng resturant. May mga normal silang pagkain at hindi lang puro halo-halo :)

Heto ang mga inorder namin :)

Okoy Tikyosko - hindi siya tulad ng nakasanayan kong maninipis at malulutong na okoy gaya ng sa Laguna/Batangas part, pero masarap din siya. Kahit makapal, may "kagat" siya at hindi malabsak. Ang sarap din ng sukang sawsawan nila :) A must-try!

Emparedados - ineexpect namin ay parang empanada, pero parang siyang fried siopao na may cheese at longganisa sa loob! Winner!!! Highly recommended! Medyo malangis nga lang pero minsan lang naman diba? YOLO! (nakikiuso)
yummaay!

Fiesta Halo-halo - hmmm masarap siya pero nothing out of the ordinary compared sa ibang masasarap na halo-halo. Sabi nga nina mama, mas enjoy pa kainin yung gaya sa mga Razon's na simple lang at gatas ng kalabaw ang gamit. It's just okay.
Palabokano - heto masarap! Kamias bits na lang ang kulang perfect na ito :) Must-try!
Buko Halo-halo - parang yung fiesta halo-halo din na naka-serve sa buko shell with coconut meat. Malaki siya at pang daawang tao na. Again, masarap pero normal level lang ang sarap haha!
huuuuge!

Matapos naming kumain, dire-diretso na kami sa biyahe namin pauwi. Saktong-sakto lang ang paguwi ko at naabutan ko pa ang "Salubong" sa simbahan sa tabi ng dorm.



It was a tiring but really fun Holy Week Trip with my family. Sana next year, mas marami na uli kami para mas masaya :) 

Sa uulitin,
Chewy

Cafe Leona
Calle Crisologo,Vigan
63(77) 7222212

Tongson Royal Bibingka
Calle Crisologo,Vigan (katabi lang ng Cafe Leona)
63(77) 7222920
Manila: #40 Bulacan St. QC.
63 (2) 4160432

Halo-halo De Iloko Balay
#12 Zandueta St. San Fernando City, La Union
63 (72) 7002030 / 09193883145 / 09178527919

No comments:

Post a Comment