Sunday, November 6, 2011

Manila: Karen's Kitchen / UCC Vienna Cafe Red Velvet

Mula nung nagpost ako nung Red Velvet list, may mga suggestions na binigay sakin ang mga friends ko pagkabasa nila. Isa na dun ang Karen's Kitchen na sinuggest ng kaibigan kong si Anaissa. Hindi ko pa alam kung paano talaga pumunta dun sa lugar niya, pero buti na lang, may nakapagsabi na siya din daw nagproprovide ng cakes sa UCC Cafes kaya dun na lang ako pumunta sa Greenbelt 5 branch kasi yun ang pinakamalapit samin :)

Pagdating pa lang nung cake, alam mo nang mamahalin (pasensya hindi po ako mayaman) haha, may presentation eh!
Bukod dun sa strawberry dun sa tabi, may layer din ng cream cheese sa gitna so talagang kahit may mandugas na topping lang kukunin, may palaman pa sa gitna kaya maypampalasa pa din ng cake... (jologs ko mag-describe noh? parang hindi bagay sa kinakain ko haha)
Nagustuhan namin ni Blanca yung combination ng cake part at topping, lalo na yung cake kasi kahit siksik siya, hindi matigas, ang sarap ut-utin (term sa Quezon to, hindi ko alam kung alam sa Manila hmmmm basta parang ang sarap "nguyain" between your tongue and the ceiling of your mouth anuman tawag dun... whew!)

Pagdating nung bill, hindi nga siya mura haha pero sa aking pananaw, may karapatan naman siya ;) marami din naman at hindi tinipid :)

Para lang sigurado, sinubukan din ni Blanca yung sa Karen's Kitchen mismo galing kung pareho, pareho naman daw. Check the updated list kung ika-ilan ito sa ranking :)

Karen's Kitchen
http://karenskitchen.com.ph/
UCC Vienna Cafe Greenbelt 5
02 757 0740

Sa uulitin,
Chewy

No comments:

Post a Comment