Tuesday, January 24, 2012

Battle of the Iced Teas: Wendy's vs Army Navy

Last Sunday, after namin maglibot sa Glorietta nina Ahya, Achy Meh, at Blanca, si Achy Meh biglang nagsuggest ng malupit na idea - uhaw na daw siya at gusto niya ng Wendy's Iced Tea!

Bago pa man mauso ang mga milk tea, Wendy's Iced Tea talaga ang hinahanap-hanap ko noong College pa ako. Nawala na lang siya sa systema ko kasi nawala na din yung Wendy's sa DLSU.
Mga around 2 years ago, may nagtayo sa tapat ng DLSU na Army Navy. Meron silang ino-offer na sariling tea nila na ang pangalan ay LIBERTEA, kulit lang hehe. Nung natikman namin siya ni Blanca, naalala ko na nabatid kong parang Wendy's ang lasa niya. So ayun, since merong malapit sa bahay at work namin na Army Navy, nakuntento na kami na yun na lang ang inumin at hindi na maghanap pa ng Wendy's.

Mabalik ako sa last Sunday, so ayun umorder at uminom nga uli ako ng Wendy's Iced Tea. Nasabi ko kay Blanca, "iba pa din talaga ang Wendy's". Sagot sakin ni Blanca, "ano nga kaya ang okay, ito o Libertea?". Good question.

Kinabukasan (Monday - Chinese New Year), after work (si Blanca nagwork, ako kakatakbo lang), bumili kami ng Libertea, at para macompare talaga ng maayos, dumayo pa kami sa Wendy's Buendia para magkaroon ng pagtutuos!


So heto ang aming hatol:
Price: tied at 65 pesos
Size: sa 65, makikitang significantly bigger ang Wendy's
Taste: patungo sa same direction ang lasa, pero sorry Libertea, iba pa din talaga ang sarap ng Wendy's :D

Winner: Wendy's!

**wala lang ako magawa kaya nagtry ako magsulat sa phone. Dahil posible pala, baka dumalas ang random and useless post ko haha cheers!

No comments:

Post a Comment