December 31 - Lunch
Fried Banana w/ Sesame Seeds
Toasted Onions, Dahon ng Sibuyas, Inadobong Itlog
Sarap talaga niyong adobong itlog :D
Ginanga or Sinaing na Isda
Kiam Peng - Kaning medyo malagkit na may halong adobong baboy, manok, chorizo, dahon ng sibuyas. Ang sarap neto! Siyempre nagluto ay ang minamahal kong tita...
Koa Becky! Ang galing talaga magluto nito, para sa mga boys, single pa tong tita kong to, ahem-ahem :) Siya talaga magaling magluto sa pamilya kaya tuwing may okasyon, siya lagi ang laman ng kusina :)
Usually kapag Kiam Peng ang niluluto, ganito lang talaga, wala nang ibang marami pang ulam kasi malasa na mismo yung kanin. Although, may bagay na sinabawang saging dito, hindi ko lang napicturan sayang :)
Since Chinese ang tema ng pagkain, mas masarap siya pag naka-bowl at ito-top mo lang yung egg at onions, pwede ka nang mag chopsticks para authentic :D
This time, kasama na namin si Blanca kaya natikman na din niya sa wakas ang luto ni Koa :)
After ng kainan, siyempre, kelangan magpapawis para ma-burn ang maraming kinain, this time, Dance Central 2 na ang labanan :D
After lunch ang time ng pagbo-bond ng family, yung ibang mga "young ones" eh natutulog na kasi kinagabihan ay mapapasubo sila sa puyatan :) Hindi na kami nagma-mass ng late (10pm) gaya ng dati kasi nauubusan ng time sa pag-prepare ng media noche at mas convenient na din kapag mas maaga. 7pm pa lang, nagmass na kami sa Multi-Purpose Hall malapit lang sa bahay para makabalik ng 8pm at makapaghanda ng dinner. Take note, DINNER. Ang style kasi ng pamilya namin, kakain ng full meal pag dinner, at mga 2-3 hours after yun na yung Media Noche na lighter na ang mga pagkain kasi malapit na matulog :) So heto ang dinner namin
Dec 31 Dinner
Antigua's Hong Kwe (Stuffed Chicken)
Pork Barbecue ni Mama
Chicken Relleno
Embutido
Broken Glass na hugis Koi :)
Koa's Special Soup
Yes, ito din yung sabaw last November, paborito talaga ng pamilya to eh :)
After kainan, siyempre, automatic na, Kinect na uli! Pero this time, buong pamilya na, at bawat isa, sumayaw haha! Here are the pics:
Si Dennis bumigay na!
Nagsiksikan kami lahat sa guest room!
Pero ang stars of the night, ang hindi inaakalang sasayaw na sina Chak Willy at Sah Peh
haha! Dahil madalang na pagkakataon ito, vinideo ko sila (para sa family members na hindi namin nakasama ngayong New Year Celebration, para sa inyo ito haha!)
Kahit hindi na magpaputok, lumayo na ang bad spirits sa sayaw nung dalawa haha! Pero siyempre, kahit konti, nagpaputok pa din kami. Dati-rati marami kami magpaputok, pero habang tumatanda, tinatamad na kami magsindi.
Matapos ang putukan, text-text sa mga kaibigan at sa mga mahal sa buhay, kainan na! Nung sinabi kong mas light ang kakainin, nagkamali ako... Konti lang ang choices pero ambibigat!
Jan 1 2012 Salubong
Biko- Kaning malagkit na may matamis sa ibabaw = mabigat
Spaghetti = mabigat
Garlic bread = mabigat pa din haha!
Sparkling Wine :)
Chibugan na!
Happy New Year 2012!
But wait.... there's more! :D
Heto naman ang tradisyon namin tuwing January 1, sama-sama pa din kami mag-lunch
Spicy Shrimp - Swabe to!
Noodles pampahaba ng buhay :)
Soup ni Koa
Frozen Brazo :) Thanks, Arlene!
Camaron :D
Pero ang mas masarap pa sa lunch.... ang susunod na tradisyon namin..................................
BINGO!!!
my card for this year
Si koa at Arlene, uuwi na agad sana papunta Manila, pero dahil nanalo sila, nagstay na hanggang huli haha!
Nakabingo ako kaso may kahati pa! 250 pesos lang kinalabasan haha!
Si Koa na naman!
Habang tumatagal, pataas ng pataas ang pot, here are the rest of the winners. (hindi na ako nanalo booo)
Damn you, 58! isa na lang eh, hindi pa ako pinagbigyan! 5k din sana yun oh! haha oh well, next year na lang baka palarin na ako :D
Naghahanda na sina siobe at mama sa aming annual family pic :)
Para sweet ending, a shot of the number one Red Velvet cake (so far) :)
Heto ang kinain namin for merienda..... oo, walang diet-diet at bawal magpigil kumain pag holidays haha!
Happy New Year!
Chewy
No comments:
Post a Comment