Happy Chinese New Year!
Sa mga holidays ng taon, isa ito sa mga pinaka inaabangan ko. Bakit kamo? Ito lang ang nag-iisang okasyon na mas kumpleto ang Chua family eh. Ginamit ko ang word na mas kasi hindi pa rin talaga kami kumpleto pero mas okay na ito kesa sa walang gathering diba? :) Last year, medyo sad ang Chinese New Year namin kasi doon nawala ang minamahal naming aunt na si Koa Chita. I know mas masaya na siya ngayon and nakiki-celebrate siya samin :D
This year, nandito uli ang family ni DiPeh from Hong Kong na si Auntie Helen at ang pinsan kong si Gilbert. As usual, dun kami sa favorite restaurant ni DiPeh sa Luk Foo Araneta. Here's a pic of my family:
the youngsters :D
Karaniwan na sa mga Chinese Restaurants ang Lauriat style na kainan, kaso nga lang, unlike the previous years, ambilis ng dating ng mga pagkain namin ngayon, hindi yung karaniwang paisa-isa, so parang naging piyestahan style na nakahain na almost lahat haha! Ang good side, hindi nakakabitin, ang bad side, nakakabusog agad at ang tagal mo makuha yung gusto mo kapag nasa kabilang end ng lazy susan kasi sabay-sabay kumukuha ang mga tao hehe :) anyway, masarap pa rin naman mga pagkain at heto sila:
1. Bird's Nest Soup na masarap naman kaso parang chicharon ang laman hehe
2. Hot Prawn Salad - walang kupas ;)
3. Mushroom w/ Abalone - yata.... the thing is, yung katabi ko sa right ang unang kumuha, eh counter-clockwise ang ikot ng mesa, pagdating sa akin, literal wala ako naabutan.... doh! Sorry hindi ko alam kung masarap pero mukha naman, kasi wala nga akong nakuha, naubos agad eh hehe
4. Stir-Fried Noodles/ Canton - hindi ko alam kung magegets niyo ang description ko na "normal" ang lasa. Don't get me wrong, okay siya, pero wala lang special na katangian na mapapa-wow ka hehe
5. Taro Puff w/ Scallops - heto ang pinaka panalo sa lahat! Si Blanca nga naka more than one nito!
closer shot of the prawn salad on my plate
as you can see, yung taro puff, may scallop na carefully placed at the center of the perfectly-mashed gabi :D yum! Ang malungkot nito, may natirang isa sa table namin nito, kukunin ko na sana for my second serving, kaso, bago ko pa makuha, naunahan ako ng iba kasi pinagbigyan ko kumuha ng pansit yung tito ko... ayun nung napatigil sa tapat ng ibang tao, biglang dinampot yung last taro puff :( boo!
6. Peking Duck
sarap nung nakuha ko nito, may taba-taba pa sa balat.... ih-ih yang sarap! naka 3 ako oyeah! Buti na lang sa mga matatanda ako kasama na table so maraming health-conscious haha!
7. Lapu-lapu - hindi ganun kasariwa pero okay naman. Hindi lang ganun katamis at kasariwa ang laman
8. Garlic Crabs - heto na naman ang dish na dehado ako, nasa right ko kasi ang panauhing pandangal namin (family from HK) at sila ang unang kukuha, ayun sa makatuwid, naubusan ako ng malalaking sipit kasi ako ang huli haha! Pero okay lang kasi matamis naman yung laman at matataba :)
DiPeh getting the first claw for Gilbert :)
9. Fresh Fruits Platter
10. Buchi - of course hindi mawawala ang hugis bilog na malagkit na Buchi. Nothing special, mas okay pa din Kowloon House version :D
Minsan lang kami magkita-kita kaya walang tigil ang kwentuhan at kumustahan :D
dumudugo na ilong ko kaka-ingles pero okay lang, I love talking to my cousin Gilbert, he's gonna be a great doctor someday, you'll see ;)
epal lang ako sa family pic nila haha (DiPeh, Auntie Helen, and Gilbert)
Sadly, lahat ng okasyon ay may katapusan. After ng family lunch namin, may mga kanya-kanyang kailangan puntahan so hiwa-hiwalay na uli lahat... Bitin pero better than no celebration at all :)
Kung nabitin man ako at hindi gaano nakakain sa celebration ng Chua family, meron pa naman kaming pupuntahan sa gabi ni Blanca na Chinese New Year celebration with the Riola family. Yes, may celebration sila. A little background, hindi talaga Chinese ang family nina Blanca. According to her, si Tita Nilda (asawa ng uncle ni Blanca na si Papa Jorge) yata ang may lahing Chinese so sila ang nagho-host ng party sa bahay nila. Honestly, I didn't know what to expect kasi mula bata pa ako, sa restaurants kami nagce-celebrate lauriat-style at hindi sa bahay. Excited ako!
Around 7:30pm, dumating kami sa magandang bahay nina Papa Jorge (I have pictures of their beautiful home pero I won't post them para sa privacy nila ;D). Sa totoo lang, kinakabahan ako tuwing pupunta sa Riola gatherings. Don't get me wrong, mababait ang family ni Blanca, pretty welcoming, actually. Nai-intimidate lang siguro ako kasi ang gaganda at gwapo ng lahi nila, ang aayos pa magbihis, haha! Kahit mag-effort ako magbihis, wala pa din ako sa kalingkingan ng dating nila haha! Mukhang tanggap naman nila ako kasi ika-4th time na akong naimbita sa gatherings nila at mas nagiging komportable na ako every single time kasi mas nakakakwentuhan at mas nakikilala ko sila :D
After ng mga batian at beso-beso (yeah marunong na akong mag-beso ngayon, hindi uso sa probinsya eh. So kelangan hindi malangis ang mukha ko at chinecheck ko to bago bumaba sa sasakyan haha), pagdating sa dining area, heto bumulaga samin...
whoaaaa...
nahiya ako bigla, mas oriental pa dating ng setup nila kesa samin! Talagang pinaghandaan!
may mga kiat-kiat, gold coins, chinese lanterns, chopsticks, in short, the works! Great Job, Ate Joan! Ngayon lang ako nakapunta ng CNY celebration sa isang bahay at parang mas okay yung ganitong setup. *slow clap*
heto ang malupit, nag-hire sila ng taga-luto from Dampa, at para sa mga hindi nakakaalam, sa Dampa ka makakatikim ng one of the best prawn tempuras! Meron sila dito! Woooot!
Meron ding Crabs na sobrang lasa, malambot at malinamnam, luto din nung taga-Dampa
may cheese, pretzels, sausages, habang naghihintay pa ng ibang bisita
Lapu-lapu, I kid you not, mas okay pa ito dun sa Luk Foo, mas sariwa din kasi :D
Here's Papa Jorge's Pata Tim. Nagulat ako nagluluto pala karamihan sa mga tito ni Blanca, and masarap siya, walang halong bola!
Siyempre, may noodles for long-life. Bihon ang noodles nila and it's not bad either :)
may cake pa from Estrel's na matagal ko nang gusto tikman kasi sabi ng mga pinsan at friends ko dito sa Manila, sinasabi na masarap daw talaga ito at institusyon na. By order nga daw ito at hindi ka makakakuha pag walk-ins. Honestly, hindi ko alam kung dahil sobra akong nag-expect, not bad naman pero mas masarap ang Rodilla's Yema Cake imho :)
Habang naghihintay pa ng mga bisita, gaya nung paskuhan, si Carmen (pamangkin ni Blanca sa pinsan niyang si Michael) ang nagpro-provide ng entertainment. This kid is so smart, even if she still can't say through words the things that she wants, she communicates through "signs". May mga actions siyang ginagawa kung hungry, nilalamig, etc. Cool! Ngayon lang ako nakakita ng ganun, parang baby sa Meet the Parents haha!
Carmen w/ her uncle Gilbert and tita Bea
first time ko din makita ang baby sister ni Carmen na si Julia
kamukhang-kamukha ng Dad niya na si Michael! haha galing!
nagdadatingan na ang iba pang bisita at mukhang malapit nang magkainan. Honestly, busog pa ako that time kasi kumain pa kami sa Wendy's nina Papa bago sila umuwi pabalik ng Lucena, pero dahil CNY naman, sige lang! There's Ate Joan, top-left of the picture below, the one in red, siya ang punong-abala at nag-decorate ng lugar. Galing!
Si Papa Jorge, the man of the house, ang nag-lead ng prayer bago kumain
matapos magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya at sa nakahain sa aming harapan... Chibugan na!
here's my plate. Kumuha lang ako ng tig-kakaunti kasi nga busog pa ako...... yun nga lang, yung plano kong kumain ng konti, hindi natupad. Ang sarap eh! So yung nakikita niyong pata tim, multiply niyo by 2.5, yung tempura, naka 6 pieces ako, yung crab multiply this one by 2. Haha!
Good food, great company!
Thanks to the Riola family for the wonderful dinner and for a lovely evening. Nagkaron pa ako ng chance to bond with Blanca's relatives. At the end of the day, busog ako with food and stories, at sana more of these next year! Sabi nila, malas daw ang sign ko for this year of the Dragon. Ox kasi ako eh. Pero last year, yun din naman ang sabi sakin, hindi naman ako naniwala kasi ang paniniwala ko, nasasayo nakasalalay ang kapalaran mo. Ganda nga ng 2011 for me kasi dito ako nagkaroon ng sariling business. So para sa mga malas daw, just pray and do your best, have a positive outlook in life, and don't wish any harm towards others, you'll be fine ;)
Happy Chinese New Year! Kung Hei Fat Ako!
Chewy
No comments:
Post a Comment