Thursday, January 12, 2012

Christmas with the Chuas (2/2)

Whew! After Christmas and until now, tambak ang trabaho! Tambak, tambak, tambak!... Na-miss kong mag-blog, totoo pala yung sinasabi ng iba na mainam ang pag-share ng magagandang stories sa buhay mo sa pag-release ng stress. So heto ako, nagtatanggal ng stress :) I will continue may Christmas post, sabi naman ng pari, hanggang this Sunday pa ang Pasko so pwede pa :)

Every December 25 ng umaga for the past few years, para akong may alarm clock na tinig ng mga bata. Walang paltos yun, mga tinig ng mga pamangkin kong makukulit ang gumigising sakin, hindi naman ako nagrereklamo at gustong-gusto ko pa nga ito :D Nitong last Christmas, walang nagbago at mas sumaya pa, here are the photos of my cute pamangkins!

 Yanna with Lola Ester and her dad, Ahya Bong
 Yanna with her mom, Achy Aubrey. Wala na siyang mata pag tumatawa haha cuuuute!
 Yanna with Auntie Alester
 Family Pic
 Of course, kelangan may pic with Uncle Pogi (walang kokontra, bagong gising pa haha)

And here's Kyle, eldest sa generation nila. A very loving kuya to the younger ones. Hindi siya pumapatol kahit saktan siya, good boy to! Niregaluhan siya ni Ninong Ronchi ng Bumblebee na car, kaya heto inaassemble niya :D


And here's my inaanak, ang sumunod kay Kyle, si Ethan. Sa pic pa lang medyo pasaway na haha!
 Kapag nagkakasama kami, lagi siyang nagkwekwento tungkol kay Ben 10, kaya nitong Pasko, niregaluhan ko siya ng Ben 10 stuff. Yun nga lang, parang kinakabit siya sa kamay na may pambaril ng disc.. uh oh! Dahil medyo pasaway pa siya, baka mamaya, tao ang barilin at hindi action figures haha!
Whew! Buti na lang nagustuhan niya at suot-suot niya the whole time na nasa bahay! Nambabaril ng tao pero with sound effects lang naman and not with the discs haha!

Around lunch time, dumating na din sina Mama Rosie at ang balikbayan from Singapore na si Boss Simon. It was nice seeing Simon again kasi matagal-tagal ko siyang hindi nakita at parang kapatid ko na ito. Meron silang dalang Maki at siyempre ito na ang part na ipapakita ko ang pagkain namin :D

 Siyempre, may Salmon Pastry pa din para matikman nila :)
 wuhoooo! Merry Christmas!
 Roast Beef
 Barbecued Ribs
 Maki from Mama Rosie
 Chicken Roll
 Lechong Paksiw na sadyang dinurog! Oyeah! Bawat sandok, may hibla ng karne, just the way I like it :D

Fish Fillet
 corn and carrots, ok na sana to eh.... kaso may carrots (#1 enemy)
Si Ethan, kakain na at lahat suot pa din yung gift ko haha yey!

 Kainan na!
 L-R: Papa, Mama Rosie, Mama, Achy Aubrey, Ahya Bong with Yanna, Bossing Simon

L-R: Ahya, Siobe, Achy Meh, Kyle, Achy Melissa, Ethan, Ahya Michael

So after ng kainan, tambay-tambay, kwentuhan lang, tapos umalis na sina Achy Aubrey pati mga pamangkins. Natira na lang sina Mama Rosie at Simon pati si Achy Meh. At siyempre habang nagkwekwentuhan, hindi maiwasan na pakain kain pa rin ng konti haha!

One thing to know about my family is that we love hosting gatherings. Mahilig kami magkainan with friends and family sa bahay namin. Ewan ba pero dito kami nag-eenjoy kesa sa mga restaurants kasi mas masarap din siguro magkwentuhan. This time, ang bisita naman namin eh family nina Tita Buddha at Tita Jenny na balikbayan from the US :)




This time, yung Salmon ko, hindi ko na binalutan ng pastry at baked salmon na lang siya hehe sarap din pang ulam!
 Kapalang mukha kong sinasabing masarap siya haha! Pero seryoso, uulitin ko lutuin to! Dalawang batch nito naubos!
Pero teka, hindi ito ang star ng kainan para sa akin, dahil nagulat ako sa dala nina Tita Jenny...
wth?! kasing laki na ng cellphone ko! Prawnosaurus! Sa sobrang laki, pwede na mag-share ang dalawang tao sa isa. Pero siyempre, nakaubos ako ng isa :) ambigat sa tiyan!

Heto ang lineup for dinner:



Siyempre, isang group shot muna bago magkainan para masaya haha!




So that's how we celebrated the birth of Christ :) Kasama ang family and friends, walang tigil na kainan at kwentuhan. Hopefully, this year, mas marami pang tao para mas masaya :D 

Cheers!
Chewy

**natanggal nga pagod ko sa pagsusulat nito :D now, back to work!

No comments:

Post a Comment